Saturday, March 13, 2010

KAPITAN HUGAS

This is a story which I wrote for my community health teaching in a day care center during my senior year as a BSN student.


Ito ay isang kwento tungkol sa isang bata na hindi ugaling maghugas ng kamay. Tunghayan kung ano ang nangyari sa kanya.

Si Popoy ay isang mabait na bata. Sumusunod siya sa lahat ng iniuutos ng mga nakatatanda sa kanya. Siya rin ay magalang. Nagsasabi siya ng “po” at “opo” at nagmamano sa mga nakatatanda. Masipag din siya mag-aral. Hindi na siya kailangan pang sabihan na magbuklat ng libro at gumawa ng kanyang mga takdang-aralin, kusa niya itong ginagawa. Kaya naman itinuturing siya na isang kawili-wiling bata.

Wari’y wala nang maipipintas pa kay Popoy. Ang hindi alam ng marami ay mayroon siyang isang sekreto na siya lamang ang nakakaalam. Ayaw na ayaw niya ang naghuhugas ng kamay! Hindi siya naghuhugas ng kamay bago kumain kahit na galing siya sa kalsada matapos makipaglaro ng holen sa kanyang mga kababata. Hindi rin siya naghuhugas ng kamay pagkatapos niyang gumamit ng banyo. Kahit na malagyan ng dumi o lupa ang kanyang mga kamay, pinababayaan lamang niya ang mga ito.

Mula naman sa isang soap dish, pinagmamasdan ni Kapitan Hugas ang bawat kilos ni Popoy. Nalulungkot siya dahil hindi naghuhugas ng kamay ang bata. Nangangamba siya sa panganib na nakaabang sa kanya.

Isang araw, pagkagaling niya sa eskwela ay naabutan niya ang kanyang nanay na nagluluto ng turon.

“Hm… ang sarap naman po Inay ng niluluto ninyong turon, pwede po bang makahingi dahil po nagugutom na po ako?” wika ni Popoy.

“Oo naman anak,” sagot ng ina, “Niluto ko talaga ang mga iyan para saiyo. Ngunit, huwag mong kalilimutan, maghugas ka muna ng kamay bago kainin ang mga ito.”

“Naku, bakit kailangan pang maghugas, pwede namang hindi.” wika ni Popoy sa sarili.

Hindi nakinig si Popoy sa sinabi ng ina. Habang abala ang ina sa pagluluto ng iba pang turon, dali-dali siyang kumuha ng plato at nilagay ang mga turon doon. Hindi siya naghugas ng kamay bago hawakan ang mga ito. Pagkatapos ay umakyat siya sa kanyang kwarto.

Habang siya ay nasa kwarto at abalang abala sa pagkain ng napakasarap na turon, biglang may tumambad na isang napakapangit na halimaw sa kanya!

“Huwahahahahahahaha! Ako si Mikrobyo! Dahil sa hindi mo paghuhugas ng kamay ay nabuhay ako! Dahil sa iyo ay makapaghahasik na ako ng lagim!” sigaw ng halimaw na mikrobyo.

Natakot si Popoy. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Patuloy na dumarami ang mga kampon ni Mikrobyo at pinalilibutan siya! Subalit, laking gulat din ni Popoy nang maya-maya ay biglang lumiwanag ang lalagyan ng sabon at biglang lumabas ang isang higanteng superhero.

“Ako si Kapitan Hugas! Matagal na kitang kilala Popoy at nakita kong hindi ka naghuhugas ng iyong mga kamay. Iyon ang dahilan kung bakit nabuhay si Mikrobyo at ang kanyang mga kampon! Magkagayon man, huwag ka nang mabahala dahil nandito na ako upang iligtas ka!” wika ni Kapitan Hugas.

Naglaban si Kapitan Hugas at ang mga kampon ni Mikrobyo. Natalo ang mga ito.

“Ako na ang tatapos saiyo!” sigaw ni Mikrobyo.

“Tignan na lang natin! Yah!” ang sagot ni Kapitan Hugas.

Gamit ang kanyang mahiwagang bula, natalo at naglaho si Mikrobyo. Nang makita ni Popoy na natalo ni Kapitan Hugas ang kahindik-hindik na halimaw, lumapit siya rito.

“Kapitan Hugas, maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa akin. Simula po ngayon, maghuhugas na po ako ng kamay palagi. Hindi na mauulit ang nangyari.” ang sabi ni Popoy.

“Mabuti at naintindihan mo na ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay Popoy. Nakatutulong ito para hindi dumami ang katulad ni Mikrobyo at upang malayo ka sa anumang sakit. Ugaliin mong maghugas ng kamay gamit ang isang sabon at malinis na tubig.” sagot ni Kapitan Hugas.

“Tatandaan kopo lagi iyon Kapitan Hugas! Maraming salamat po!” sabi ni Popoy.

Mula noon ay palagi nang naghuhugas ng kamay si Popoy lalung-lalo na bago kumain. Simula noon ay hindi na nagpakita ang halimaw at nakasisiguro na si Popoy na ligtas siya sa kapahamakan.


----------------------------------------------------------------------------------
I am Tina Siuagan. I am a Registered Nurse who was one of the successful examinees to pass the November 2009 Nursing Licensure Examination. I am a simple person who loves to try extraordinary things. I love to have fun (clean fun) and to keep things in a positive perspective. Please let me know what you think of my works. You can send me an email at assimilated_divinity@yahoo.com (same email is used for my Facebook account). ROCK ON! :D

5 comments:

  1. I should say it is good example to everyone not only for Popoy....a good personal hygiene keeps away those microorganisms to invade a human body...aside from that our surroundings particularly our environment...that is why so many people are getting sick due to poor personal hygiene...keep on posting.....I like your idea..

    ReplyDelete
  2. well composed story! at least pag ikinuwento ito sa mga bata kapag hygiene yung topic eh matututo sila kung pano maghugas ng kamay at pangalagaan ang kanilang sarili. kahit simpleng paghuhugas ng kamay ay nabigyan mo ng kwento para manghikayat sa mga kabataan ang pagpapahalaga ka kalusugan. Sana mag compose ka pa ng ibang health stories tulad nito. pwede po bang maishare ito sa mga health teachings?- myla

    ReplyDelete
  3. Good job,girl.Cleanliness is next to Godliness...Im proud to be one of the supporter of Popoy.More thoughts nurses....

    ReplyDelete
  4. Myla, it would be fine for me... basta paki acknowledge nalang akong mabuti... hehehehe!

    Thank you so much for the comments... don't worry, I will write more kiddie stories...or anything about the Nursing profession or health for the Filipinos. Maraming salamat po sa supporta!

    --Nurse Tina

    ReplyDelete
  5. Good afternoon Ms. Siuagan, I'm Steve Tilos BSN IV student from Lyceum of the Philippines University, Intramuros , Manila and I read your story and find it useful to my research study entitled "Effectiveness of Storytelling on Proper Hand washing to prevent transmission of Communicable Diseases on children at Daycares in Taguig City”.

    May i ask your permission to use your story as my intervention in teaching children regarding hand washing? I already sent a message regarding this matter to the email posted above.

    Thank you and God Bless!

    ReplyDelete