ANO ANG MAHALAGA?
By: Noel D. De Ocampo, MSN/ED, RN
March 18, 2010
http://thefilipinonurseforum.blogspot.com/
Marami pa rin talaga sa atin na mga Pilipinong narses and naghahangad na makalabas ng bansa. Alam naman ng lahat na bagama’t ayaw nating malayo sa ating pamilya, mas makapagbibigay tayo ng magandang kinabukasan sa ating mga kamag-anak kung lalabas tayo ng bansa. Pumunta kaya ako sa Amerika? O kaya sa Saudi? Marami na rin ngayong oportunidad sa Europa. Saan kaya maaring makapasok? Kahit kasama ko ang asawa at mga anak ko, ano kaya ang pakiramdam ng malayo sa ibang miyembro ng pamilya ko? Ano kaya ang kinabukasan ko at ng mga anak ko kung lumabas ako ng bansa?
Kung isa kang nars sa Pilipinas at walang ibang pinagkukunan ng kita, at ikaw lang ang may trabaho sa pamilya, makabibili ka ba ng Imac? Ilang Levi’s 501 and mabibili mo kung ang halaga nito ay halos kalahati na ng sahod mo sa isang buwan? Iisipin mo siguro mas mabuti pang gastahin ito sa gatas ng anak. Maghahangad ka pa kayang makabili ng plasma TV? Ang pagbili kaya ng kotse, maiisip mo pa?
Kung isa kang nars na Pilipino sa ibang bansa, meron ba doong tindahan si Aling Nena na pwede mong tambayan pagkagaling sa trabaho, na kung saan meron kang makakakwentuhan hanggang hatinggabi? Meron ka bang kapitbahay na magdadala ng ulam sa bahay mo kapag nalaman na may sakit ka? Meron ka bang mapupuntahan na karaoke bar na isang beer lang ang bilihin mo, pwede kang kumanta hanggang gusto mo? At papalakpakan ka pa ng mga kapwa mo nagpapalipas ng oras. Saan kaya merong pirated na DVD para mas mura?
Gusto kong magbukas ng mapag-uusapan, hindi upang magalit ang mga kapwa narses sa akin kundi upang magkaroon ng diskusyon ukol sa mga karanasan ng mga narses sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa.
Ngayon, pumili ka…
sakin mas pipiliin ko paring magtrabaho sa ibang bansa,kasi sa panahon ngaun dapat practical kn dahil kung tutuusin wala namang maibibigay na magandang trabaho para sa atin dito sa pilipinas
ReplyDeleteni ndi nga nla tayo naaapreciate dito palaging mga doctors lng ang napapansin nila ni hindi man lng nila nakikita ung mga paghihirap ng mga nurses dito sa bansa natin......oo sabihin na natin na mahirap ang malayo sa mga pamilya natin pero ndi aman tayo mabubuhay kung hindi tayo susugal db???hindi sa mukha akong pera pero sa panahon ngayon dapat practical kn
pipiliin ko pa rin na pumunta ng ibang bansa... para kc sa pamilya at totoong hindi cla mabubuhay sa sahod ng Pinas sa mga nars.
ReplyDeleteako, mas gusto kong magsilbi sa sarili kong bayan kasama ang mga minamahal kong pamilya...marami pa rin namang trabahong naghihintay sa atin, masyado nga lang tayong mapili...ni ayaw nga ng iba magtrabaho sa community, kasi brain drain daw...aanhin mo naman ang malaking suweldo, kung mapapabayaan mo ang mga anak mo...maaalagaan mo nga ang iba, pero ang pamilya mo hinde.
ReplyDeletemalaki kc ang sweldo sa ibang bansa kaya kung papipiliin ako, syempre dun sa mabubuhay ko ang pamilya ko.. hirap n din kc d2 humanap ng trabaho eh. ahm.. pde mo nman dalhin ang pamilya mo sa ibang bansa pag nakaipon ka dba?
ReplyDeleteNo offense but those sentiments are way too shallow to overcome the need to go abroad. I mean, it ain't always about being able to buy Macs, or any other fancy luxury for that matter. Did you even think of trying to send kids to college? Or earning to finally be able to get a relative through some expensive surgery? Sorry but the way you view going abroad is just offensive to me since not everyone goes abroad for the luxury, and by the way you said it seem like you're generalizing that they DO go just for the luxury.
ReplyDeletesiguro kya tayo di pinpriority dito kasi we lack the qualifications. kung qualifid naman kasi tayo sa field na gusto natin there's no way para di nila tayo tanggapin eh. ang trabaho andyan lang yan. ang problema ay ang mga manggagawa na fit ang qualified dun. kaya bago natin isisi sa bayan ang kawalan ng trabaho, isipin muna natin na hindi trabaho ang kulang kundi ang kakayahan natin. so Filipinos should work hard and attain GOOD EDUCATION, that's what a country should have.
ReplyDeletesaU.S.
ReplyDeletePipiliin q paring mgtrabaho sa ibang bansa.. Mahirap d2 satin.. May mga h0spital na palakaxan...aq isang ta0ng nagv0lunteer s ixang g0v't h0spital.. Walang ngyari.. Ndi ka makakapas0k or mggng staff qng wla kang backer sa hosp. At kapitolyo.. Watz d sense n mgstay p d2.. Qng d dn mbi2gyan ng trabaho ang lahat...
ReplyDeleteAko? I'm single, may business ang mother ko pati mga kapatid ko. They can live on their own. But me? I still want to stand on my own. Gusto kong mag abroad kahit ayaw ng kuya ko. Mag business nalang daw kami. Sa panahon ngaun d kana makapili kung dito o abroad ang gusto mo. I WANT TO BE A NURSE, pero walang opportunity dito, gusto mo ng trabaho sa ospital? mag hanap ka ng backer mo! IT'S NOT WHAT YOU KNOW, IT'S WHOM YOU KNOW! I hate it! Kahit gusto ko dito kumuha ng experience sa Pinas wala e, kaya Saudi nalang, no choice sa kagaya kong walang working experience.
ReplyDeletepara sa akin mas pipiliin ko ang magtrabaho sa ibang bansa. Yes, we can work and serve our own country but we have to think also about the future of our family especially our kids, their everyday needs. Saan ba tayo mas makakaginhawa. db?
ReplyDeleteKaramihan sa mga hospital sa Pilipinas lalo na sa mga gov't. hospitals kailangan nang "backer" para makapasok ka sa trabaho. Kung wala ka nun, kawawa ka. Mag-end up ka na magtrabaho sa Mc Donald as a cashier. GRaduate ka ng BSN tapos you ended up in another line of job.
ReplyDeleteDo we really have a choice? Gustuhin ko man dito sa Pinas wala namang open na hospital, pinag kakakitaan nila ang mga kawawang nurses para mag trabaho ng walang sweldo, minsan volunteer pa ang mas maraming trabaho kesa sa mga pinapasweldo. Lahat ng ospital volunteer nurses ang gusto. Lahat kailangan ng backer. So why stay here? Go abroad, better future!
ReplyDeleteI'm sure many nurses would love to stay in the Philippines if given the chance. The problem is there are simply not enough jobs for them. Yung iba nga, sila pa ang nagbabayad sa ospital para lang mka kuha ng experience... so you tell me, would you rather pay your employer and use up your kid's milk money or go to another country and make more money and get great medical benefits for yourself and your family on top of a very competitive salary?
ReplyDeleteaminin n nating lahat, BIHIRA lang ang nag-aral ng nursing para lang magtrabaho dito sa pinas. pinag aaral tayo ng mga magulang natin dahil gusto nila, magkaroon tayo ng mgandang buhay. kung dito k lang magttrabaho, wala kang mpapala. yan ang KATOTOHANAN ngayon. me choice ka parin naman, magpkamartyr k dito sa pinas at maghikahos, o magtrabaho k sa ibang bansa para mbigyan ng mgandang buhay pamilya mo. pwede k namang magipon muna, tpos kung ang AIM mo tlaga e pagsilbihan ang mga pilipino, tsaka k magtrabaho dito pagkyari mo makaipon. pero ang pinaka tamang gawin, PARA SAKIN, e ung magtrabaho sa ibang bansa. nagtrabaho magulang mo para mapag aral ka. at nag aral k para mkpag trabaho ng maayos, hindi para maghirap din. di dapat sayangin ang paghihirap ng magulang. dahil pag naging magulang n din kayo, ndi nyo rin gugustuhin n maghirap anak nio.
ReplyDeleteif i will stick to my profession as a nurse walang mangyyari sa buhay ko dito sa Pilipinas, id rather work in a call center. Camon lets face it! after we graduated we'll take board exam, then after that..what?training?volunteer?!volunteer but u have to pay the hospital just to accept you,or dapat me backer ka hnd pnphalagahan ang nurses dito sa Pinas!gutom ang abot natin, and someday mag kaka pamilya tayo or me pamilya tayo. Sino bang me ayaw na m ibigay natin sa pamilya natin ung comfort kahit hindi luxury. e ang sweldo ng nurse dito sa Pinas pang bayad lang ng kuryente at tubig.
ReplyDeletepara naman po sa akin nasa priority na lang ng isang nurse kung saan mag work. both sides has pro and cons...
ReplyDeleteWorking in the country is a noble choice... and you can make ways to cope up sa financial burden even your in the Philippines...Retirement lang ang malaking challenge..
While working abroad cannot be boredom as you imagine... maybe you will be shock if I will tell you that I can answer all your questions with YES WE DO HAVE.. in this following questions "Kung isa kang nars na Pilipino sa ibang bansa, meron ba doong tindahan si Aling Nena na pwede mong tambayan pagkagaling sa trabaho, na kung saan meron kang makakakwentuhan hanggang hatinggabi? Meron ka bang kapitbahay na magdadala ng ulam sa bahay mo kapag nalaman na may sakit ka? Meron ka bang mapupuntahan na karaoke bar na isang beer lang ang bilihin mo, pwede kang kumanta hanggang gusto mo? At papalakpakan ka pa ng mga kapwa mo nagpapalipas ng oras. Saan kaya merong pirated na DVD para mas mura?"..
We Filipino Nurses are known of having a great coping mechanism, adaptability and for being resourceful so kahit saan pa tayo dalhin ng ating mga paa we can excel and be happy with our lives.. Let's think positive! That's all we need!
Ang biglang laki ng pangangailangan sa nurse sa buong mundo ay dulot ng tinatawag na "baby boomers" - ayun po'ng biglang laki ng populasyon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga baby boomers ay ngayong lang pumapalo ng edad 60 pataas, at nangangailangan na ng espesyal na atensyong medikal. Ang problema'y isinalalay natin ang kinabukasan ng napakarami sa ating populasyon sa isang pansamantalang kaginhawahan. Sobra sobra ang nurse na ating pinagtapos at kinalimutan na natin ang ibang okupasyon. Matapos ang lima hanggang sampung taon ay biglang magbabago ang sitwasyon - matatapos din buhay ng mga baby boomers. Paano na ang kay dami-daming nurses na ating pinagtapos? Ano ang balak natin gawin sa kanila gayung yun lamang ang nakagisnan nilang katungkulan? Sa sobrang daming nurses, baka dumami lalo ang unemployed na Pilipino mula sa dating mga nurse.
ReplyDeleteKung isa kang Nars sa Pilipinas, hindi ka dapat Nars, ikaw ay isang NAR - dahil isa ka lang. Kidding aside, mas mabilis natin maiaahon sa kahirapan ang ating sarili at ating pamilya kung tayo ay makikipagsapalaran sa ibang bansa. Iyan ay isang masakit na katotohanan na kailangan nating tanggapin. Mahirap umasenso sa ating sariling bansa lalo na kung marami ang umaasa sa 'yo. Kapalit man ng pagkakalayo ay dagdag pawis, lungkot at pagtitiis ang ating sakripisyo'y may mabuting maidudulot sa bandang huli. Kung ibig nating tulungan ang ating kapwa, kailngan muna nating tulungan ang ating sarili maging ang kapalit man nito'y paglisan sa ating bansa.
ReplyDeleteoh diba nabasa natin ang bawat panig nila.yan lang naman ang kunting salita.at masakit isipin na hina-ing na para bagang,nakakapagkusot damdamin sout hanngat buto.ang lungkot kung paano mangibang bansa ang hirap kaya .kami dito tiniis lang maka ha on sa hirap ang mga pamilya sa buhay na matagal ng gustong malipasan man lang ang hirap na dinanas.pero hanngang kelan nga ba masulbahan ang isyung ito ilang dekada na ilang presedente na ang nangako...sino naman kaya ang sunod mangako na presedente..kaya minsan nakaksawa na.gusto ko bawat pagkakamali corruption,etc.kamatayan na agad ang hatol hanggat nanjan yan sila at hindi namatay hindi matapos ang problema ng pinoy kayo isipin nyo.dito sa saudi yan ang hatol ehh bakit kaya di natin gawin yun..mahirap ba?..kayu na ang dumagdag.magtiis nalang ako dito sa saudi kahit di ako marunong mag arabic..sana naman ituro na ang salitang arabic sa bansa natin.dito agad sa middle east ang punta ng mga pilipino.kung mangingibangbansa.mag isip kayu hindi yung sariling luho nyo lang.goodluck
ReplyDeletemahalaga po na matuunan din ng pansin ang budget para sa mga government hospital para naman po tumaas ang sahod ng mga nars at di na nila maisipan na mag-abroad pa. At kpag maganda rin po ang budget na ilalaan ng gobyerno, sana po magdagdag sila ng mga staff nurses kc po understaff halos lahat ng areas ng goverment hospital. maniniwala po ba kayo na sa isang nurse, ang range po ng pasyente na hawak nya ay maaaring umabot ng 20-40 plus na pasyente? ironic db? pero nangyayari po tlaga yan.
ReplyDeleteHindi lang po sana sa goverment hospital mag-focus, ganun din po sana sa mga private hospitals. ang mamahal sumingil ng mga private hospitals sa mga pasyente pero ang sweldo ng mga nurses nila eh di nalalayo sa mga pangkaraniwang manggagawa.kung ganito ang sitwasyon,maiisipan nga ng mga magagaling na nurses na mag-abroad na lang...
At isa pa po, sana mawala na ang AGE DISCRIMINATION kpg nag-aaply ka ng trabaho. kahit qualified ka sa job, kpg nakita ang edad mo.. di ka rin nila tatanggapin. sana magkaroon ng batas na nagbabawal sa age discrimination. salamat po!
Hindi kami namimili..we volunteered to give our service free with the same duties and responsibilities as those paid. What do we get? a certificate that states we did..which even sa canada hindi matatanggap. To add to the dilemna, kailangan pa namin na magmakaawa mabigyan lng nang certificate na pinagtrabahoan namin..root cause, crab mentality. Mahirap na nga kumuha nang trabaho ang nurse, pinapahirapan pa sa mga nasa staff nah. Kahit na mn sana yun lang eh, pinagpaguran na nga, hindi pa maibigay nang kusa which I really don't understand. You have to bring some stuff na ibibigay sa kanila bago pa gumanda ang mood nla and then they will start thinking about giving you one.. Such a crap system! Too many crabs..would you stay here?
ReplyDeleteako rin... mas gusto ko magwork abroad... nless magbbgo ang employment system s bnsa...
ReplyDelete@anon mali ka po anon sa suggest mo ndi mo alang mahanap na trabaho d2 sa ating bansa ang dahilan kung hindi naghahanap ka ng mas malaking sahod...
ReplyDeletecge mag work na kau sa ibang bansa lahat ng professional sa ating bayan kawawa nman ang ating bayan pag ganyan lahat ng mga professional...
ReplyDeleteHi, hindi nmn Po magiging kawawa Ang bayan since taon taon nmn Po maraming nurses Ang nagtatapos... Actually marami ngang unemployed sa bansa huhu...
Delete. . .mas pipiliin ko ang magtrabaho sa ibang bansa, bagamat mabigat ang mawalay sa ating mga mahal sa buhay, pero kung sila rin ang dahilan kung bakit makikipagsapalaran sa ibang bansa, ito'y magiging sapat na dahilan para maging matatag ang loob at pasya. . .ang kikitain natin sa isang buwan ay katumbas ng halos isang taong sahod natin. eto na rin ang sandigan para sa magandang kinabukasan ng ating buhay. . .pagkatapos ng ilang taong sakripisyo, babalik din tayo sa ating buhay sa pinas. . .sa pagkakataong iyon, kaya na nating mabuhay sa dahilang may sapat na tayong ipon at pundar. . .
ReplyDeleteRe: The question.
ReplyDeleteIt is actually, a no-brainer because there are no options here in the Philippines for nurses, especially for "second coursers" that are already 40 years old and above. There are just too many obstacles for a nurse to be hired here; to wit:
1) Available jobs. There are no available jobs here. Hospitals are intentionally understaff. The nurse patient ratio is 1: 10 or even higher. So, instead of hiring more nurses, most hospitals raise the nurse-patient ratio. This system deprived new nurses of the oppurtunity to work.
2. Experience. Hospitals require work experience before they hire nurses. How can you have work experience if you just graduated from school?
3. Salary. Basic salary for newly hired nurses start at 9 thousand. How on earth can you live with 9 thousand pesos?
4. Age. For those who are already 40 years old and above, dont expect to be hired. Most hospitals hire nurses that are not more than 30 years old.
So now you ask the question "Ano ang mahalaga?", siyempre mahalaga mabuhay. Mabubuhay ka ba dito sa Pinas kung NARS ka?
AAnhin ko ng tindahan ni aling nena na pwede kong tambayan tuwing gabi? eh itutulog ka nalang yan. Kung pagod ka galing sa trabaho gustohin mo pa ba mag beer house? hell no. At bakit? hndi ka ba pwedeng kumain kung hindi galing sa kapitbahay ang ulam mo? Honestly, napakababaw naman nito. Walang alam ang mey gawa nito.
ReplyDeletemahal ko ang Pilipinas. Hindi ako nurse pero sa buhay ngayon hindi na uso ang martir. Let's face the reality. Sa pinas they discriminate on age, maritial status, lalo na kung may anak ka. I agree with Pedrito.
ReplyDeleteCguro kung cno man ang nagsulat d2 hindi pa nikapunta sa ibang bansa. Kung di man eh sarado lang talaga ang isip. kc mentality natin agad agad masarap ang buhay sa ibang bansa. Hindi eh. Mahirap din dito. Pero d2 at least kung maging mahirap ka man hindi ka aabot sa punto na mamamalimos ka unless ganun ka katamad.
speaking of tindahan ni aling nena at kakwentuhan. who would wanna do that kng may kaibigan ka naman sa trabaho. unless anti-social ka eh problema mo na un. besides if ur a nurse pagod na pagod ka na sa night shift mo at gugus2hin mo n lang ma2log.
AT OO MERONG KAPITBAHAY NA MAGDADALA NG PAGKAIN SA BAHAY MO LALO NA KUNG KAPITBAHAY MO EH PILIPINO DIN.
FYI may karaoke bar din dito. at bakit mo pipiliin bumili ng PIRATED DVD.. eh pirata nga eh dba mas ggustuhin mo pang lumabag sa batas?
Ang hirap maging nurse sa Pilipinas.Sinasabi nila maging makabayan tayo at pag lingkuran ang ating bansa,pero panu natin magagawa iyon kung kumakalam ang sikmura natin dahil kulang ang sweldo? wala ng magagastos kung meron pa sa pamilya na magkakasakit? panu na ang projects ng mga anak na nag aaral? Huwag na natin isipin ng ang luho,isipin muna natin yung mga pangunahing pangangailangan natin,ganyan pag nurse sa Pilipinas.
ReplyDeleteAnu nga ba ang mahalaga?
Mahalaga ang bansa natin pero panu kaya tayo tutulong kung ang mismong sarili natin ay nakalugmok? Hindi ba dapat pangalagaan muna natin ang sarili natin para mas may maitulung tayo sa bansa?
I'm sorry to say this but the above argument is so lame.We go abroad not only because we want these material things,but be because we want the best for our loved ones.Luxury only comes secondary.
bakit nag pinili pa nenyo mag nurse kawawa talaga kayo mga tamad gusto nenyo ng pera kaagad, mga mukhang baboy kayo at mga walang hiya dapat mahalin nenyo ang pilipinas mga walang silbi kayo mga bobo shit mga walang hiya shit talaga kayo
ReplyDeleteMGA KABABAYAN PINOY MAHALIN NATIN ANG BANSANG PINAGMULAN NATIN KAHIT NA MAHIRAP ANG BUHAY NATIN SA PILIPINAS MASAYA NAMAN TAYO KAHIT NA MALIIT LANG ANG SAHOD ATLEAST NASUSUNOD NATIN ANG GUSTO NATIN GAWIN.MANIRAHAN AT MAGTRABAHO SA IBANG BANSA AY HINDI BASTA BASTA AT HINDI LAHAT NANG SAHOD SA IBANG BANSA AY MALAKI..HUWAG NATIN ISIPIN NA KUMOT NA NASA AMERICA OR IBANG LUGAR AY MALAKI ANG SAHOD COMPARE SA SAHOD NATIN SA PILIPINAS.UNANG UNA SA LAHAT HINDI LAHAT NANG BAGAY AY KUMIKINAM SURIIN MUNA NATIN ITONG MABUTI BAGO NATIN ITO SUNGABAN..MALAKI OR MALIIT ANG SAHOD NATIN KUNG MARUNONG TAYONG MAG-BUDGET NANG PERA NATIN IM SURE NAMAN NA LAHAT NANG GUSTO MO MABIBILI MO DAPAT BE FRACTICAL AT HUWAG BILI NANG BILI NA KUNG ANO ANO NA HINDI NAMAN IMPORTANTE.MAG-TRABAHO SA IBANG BANSA AT MANIRAHAN AY PARIHAS LANG SA PILIPINAS KASI SA IBANG BANSA MAGBABAYAD KA NANG RENT MO SA BAHAY MAGBABAYAD KA SA LAHAT NANG BILLS MO..GANON DIN ANG SUMA KUNG E COMPARE NYO SA SAHOD SA PINAS.MAHAL KO ANG PILIPINAS HINDING HINDI KO IPAGPAPALIT SA IBANG BANSA....
ReplyDeleteWITH GOD ALL THINGS ARE POSSIBLE, STOP HEARING EVERYTHING THAT PEOPLE ARE SAYING ABOUT YOUR SITUATION AND START HEARING WHAT GOD HAS PROMISED IN THE WORD OF GOD. THE BIBLE SAYS, CALL EVERY MAN A LIAR AND GOD TO BE TRUE, WHICH MEANS STOP BELIEVING THE REPORT OF A MAN AND START BELIEVING GOD'S REPORT WHICH IS ALL THINGS WHATSOEVER YOU SHALL ASK IN PRAYER BELIEVING YOU SHALL RECEIVE IN JESUS NAME. THIS IS GOD'S TRUTH IT WILL MAKE YOU FREE. WE HAVE TO PRAY OUR GOVERNMENT THAT THEY COME BEFORE GOD AND PRAY FOR THEM THAT GOD GIVE THEM WISDOM TO DO THE RIGHT THINGS FOR OUR BELOVED PHILIPPINES AND START FROM THAT GOD WILL HEAL OUR LOVING COUNTRY. 1 Tim 2:1-3
ReplyDeleteI exhort therefore, that, first of all, supplications, prayers, intercessions, and giving of thanks, be made for all men;
2 For kings, and for all that are in authority; that we may lead a quiet and peaceable life in all Godliness and honesty.
3 For this is good and acceptable in the sight of God our Saviour;
@dianne valdesco, sana hindi mo maranasang magkasakit at maospital.. dahil pagsisilbihan ka ng mga tamad na baboy na walang hiyang shit nurse dun. you dont know us, our sacrifices. you have no right to call us names. and nga pala, wala sa sinumpaan namin noong oath taking na dapat sa pilipinas kami magserbisyo. our profession entitle us FEE for our SERVICES. kung may oppurtuniy sa PILIPINAS bakit kami magaabroad. KUNG MAY SWELDO LAHAT NG PUMAPASOK SA OSPITAL,SANA WALANG NI ISANG NURSE ANG NAGSSENTIMYENTO ngayon.
ReplyDeletemukhang pera ba ang mga nurse kaya nag-aabroad? isipin mo nga, gumastos kami ng 30-70K per sem, 8 sems sa 4 years tapos KUNG SA PILIPINAS KA MAGSSTAY EH 3 YEARS KA NG VOLUNTEER HINDI KA MAN LANG BIBIGYAN NG TRANSPO O KAHIT MEAL ALLOWANCE. pano ka mabubuhay nun?
@elaine, buti nga kung MAY MABUBUDGET ehh,, pano kung wala?
respect na lang sa desisyon ng bawat isa. siguro naman bago nagabroad o magabroad ang mga nurse, dumaan din sila sa pagninilay nilay.
as much as WE WOULD LIKE TO RENDER SERVICE TO OUR COUNTRY AND COUNTRYMEN, nakakalungkot NA WALANG OPPURTUNITY PARA GAWIN NAMIN ITO.
ok lang dito sa bansa natin basta may trabahong ibibigay na compensated naman but katulad ng mga narses kailangan ka pang mag-volunteer na ikaw nag magbabayad para ka lang makapasok which hindi pa considered na employee ka .Saan naman ang hustisya dun? I still prefer to work abroad na maituturing na ako ay isang empleyado.
ReplyDeleteDito sa abroad ang mga nursing student, bago matapos ang placement may offer na work agad, sila ang hinahabol. Kakalungkot dahil after grad dadaan ka sa butas ng karayom bago makapasok, at years pa hintayin mo makapasok lang sa work. at pag nag Saudi ka ang baba ng sweldo pero pag banyaga halos 4x ang difference sa sweldo, pero pareho lang ang trabaho. Sana mapansin ang sahod ng mga pinoy nurses sa saudi arabia..unfair yan.. pag nag US or UK ka pantay pantay lang ang sweldo...dapat maitaas ang sahod ng mga nurses sa GULF...
ReplyDeleteI agree with some who thinks that u need to know somebody in power b4 u can land a job. I did have and experience, i did volunteer for almost a year and expecting that i will be placed as a staff as they told me but there came a guy who just volunteered for almost 3 monhts and was a staff right away just because her parents knows the head nurse. and this happens with other profession too. i think it is only in the armed forces of the Philippines that u r gauranteed a job after pulling through.
ReplyDeleteSA TOTOO LANG MALUNGKOT MAHIRAP ANG MAGTRABAHO SA IBANG BANSA LALO NA PAG ANG NAPASUKAN MONG WORK AY NANGANGAMUHAN. MAHIRAP TALAGA! SANA NGA ANG MGA BATA NGAYON INE ENCOURAGE NA LANG NA MAG BUSINESS AT MAKAPAMILI NG BUSINESS NA GUSTO NILA PAGLAKI. HINDI KUNG ANO AT SAAN NILA GUSTO MAMASUKAN. HAY BUHAY PINOY! @ diane valdesco ano naman ang pakialam mo kung nurse ang pinili naming kurso ano ba ang course mo? kung hindi NURSING ano ang ginagawa mo sa web na to! tignan mo ha huntingin ka ng mga nandito! GAGA KA!!!
ReplyDeleteBy the way did u know that because of filipinos abroad they r the reason why the economy of the Philippines is alive. Kaya nabansagan silang heroes. And i am sure more nurses and others prefer to work abroad as there is a gauranteed greener pasteur. Hopefully with this Aquino gov't things will get better regarding creating jobs to his country for it's own people to stay. I love the Philippines and I will go back when i retire ha ha ha.
ReplyDeletehere in the phils even if you are an executive of some big company, you would still need to loan everything.. from your house to your car and so we are left with so many bank loans that our salary is just about enough for our family to eat and for our children to go to school.. i would want to be able to live beyond this kind of life.. i would want to see other places.. enjoy my free time from work.. give my children more than just basic education but also the experience of many other things like being able to study piano or learn taekwondo and other things their heart may so desire.. and i cannot do this unless i become the CEO of the company.. but as a nurse, i would earn as much as a CEO... so the question as to why we prefer to become nurses abroad is a little too stupid.. its a given.. we just want a better life
ReplyDeletewlng kwenta ang gusto ko mging arabic teacher
ReplyDelete